Contact tracers, posibleng mabigyan din ng SRA kung may supplemental budget para rito

Posibleng maikonsidera na maibilang din sa mga makatatanggap ng special risk allowance (SRA) ang mga contact tracers.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ito ay kung sakaling may ilalaan na panibagong supplemental budget para rito.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ito ang naging pahayag ng Palasyo kasunod ng rekomendasyon na isali rin ang contact tracer sa mga mabibigyan ng SRA lalo na at malapit din sila sa panganib ng sakit dahil sila ang kumakausap sa mga close contact ng mga pasyenteng nagpositibo sa covid-19.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Mababatid na base sa Bayanihan Law, tanging mga medical frontliners na direktang tumutugon sa covid-19 patients lamang ang makatatanggap ng nasabing benepisyo. //MHEL PACIA-TRINIDAD