Malaking bilang ng mga nahuling wanted sa batas at lumabag sa special laws, naitala sa 1-day SACLEO ng IPPO

Naitala ng Isabela Police Provincial Office ang malaking bilang ng mga naaresto na pinaghahanap ng batas at mga lumabag sa special laws sa isang araw na inilatag na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) noong araw ng August 6, 2021.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sa ilalim ng kampanya kontra ilegal na droga ay naaresto ang 8 drug personalities sa isinagawang drug buy bust at implementasyon ng search warrant sa magkakahiwalay na operasyon ng mga kasapi ng Jones, Ramon, Ilagan City at Cauayan City Police Station.

Nasa 75 naman na pinaghahanap ng batas ang arestado kung saan 14 sa kanila ang kabilang sa Most Wanted Person sa Regional, Provincial at Municipal Level habang ang 61 ay pawang mga wanted persons.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Tatlong suspek naman ang nahuli sa pagpapatupad ng search warrants at police operations dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa ilalim naman ng Oplan Katok ng PNP, boluntaryong isinuko sa mga otoridad ang limang loose firearms habang ipinasakamay naman sa Mallig Police Station ang isang fragmentation hand grenade.

Samantala, sa ISO operations na isinagawa ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ay narekober ang mga war materials na kinabibilangan ng 7 improvised clamor mine, dalawang piraso ng improvised electric blasting cap, 10-meter ng detonating cord, 1.5m safety fuse at 10-meter electric wire.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Batay pa rin sa datos ng IPPO, naitala rin ang 180 violators sa iba pang special laws na kinabibilangan ng 179 na lumabag sa RA 10054 o Helmet Law at 64 ang nahuling suspek sa paglabag sa illegal gambling law.

Habang sa implementasyon naman ng Executive Order 23 na inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan, sa loob ng 41 operations na inilatag ng kapulisan ay nasa 352 violators ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng facemask at face shield habang 29 ang lumabag sa social distancing.

Kaugnay nito, pinasalamat ni PCOL. James Cipriano, ang provincial director ng IPPO ang lahat ng police units dahil sa kanilang kontribusyon para sa ikatatagumpay ng isinagawang SACLEO para malabanan ang kriminalidad sa buong lalawigan ng Isabela.