Pinasinayaan ng Technical Education and Skills Development Authority-Isabela ang bagong gusali ng Isabela Provincial Training Center (IPTC) sa City of Ilagan.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, Ginawa mismo ng mga scholars sa kursong carpentry ng TESDA ang naturang building sa ilalim ng kanilang training-cum-production scheme.
Ang IPTC ang magsisilbing venue sa mga training programs na isasagawa ng TESDA Isabela Provincial Office.
Inihayag naman ni Regional Director Archie Grande na marami ng Isabeleños ang maaring makakuha ng TESDA skills training at iba pang programa sa pamamagitan ng IPTC.
Habang pinuri naman nito ang kooperasyon at serbisyo ng TESDA-Isabela sa pangunguna ni PD Igmedio Casticon at IPTC Administrator Juliet Ramos upang matapos ang konstruksyon ng nasabing gusali.
Sa parehong aktibidad ay ipinakita rin ang dalawang bagong sasakyan ng IPTC na gagamitin para sa Driving NC II training bilang pasunod sa requirements ng Land Transportation Office (LTO).