BICOL—Nagpapatuloy pa rin ang COVID-19 vaccination rollout sa lalawigan ng Catanduanes partikular ang mga nasa A2 at A3 priority list o ang mga senior citizens at may mga comorbidities.
Katunayan sa bayan ng Pandan, umabot na sa mahigit 400 indibidwal ang nabakunahan ng first and second dose ng Astrazeneca at Sinovac vaccine.
Batay sa tala ng Pandan Municipal Health Office, pinakamarami sa mga naturukan na ng bakuna ang mga senior citizens na umabot sa 227; sumunod ang mga BHWs na may 97; naturukan na rin ang nasa 55 mga health workers; 38 mga miyembro ng BHERTs o Barangay Health Emergency Response Team at dalawang residente naman na may comorbidities ang nakatanggap na ng kanilang bakuna.
Patuloy ang paghikayat ng RHU-Pandan sa lahat ng mga residente sakanilang bayan lalo na sa mga may edad na at may mga pre-existing health conditions na ikonsidera ang pagpapabakuna kontra COVID-19 upang mabigyan ng proteksiyon hindi lamang ang kanilang mga sarili, kundi pati na rin ang kanilang pamilya kontra sa nakamamatay na virus.##
Photo Courtesy: LGU Pandan

