Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Malacañang official bilang bagong associate justice ng Court of Appeals.
Nakumpira ang pagkakahirang kay Senior Deputy Executive Secretary Michael Pastores Ong bilang mahistrado ng CA batay sa transmittal ng appointment letter sa Supreme Court.

Pormal nang nanumpa si Ong sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo ngayong umaga.
Si Ong ay mayroong economics degree mula sa ADMU at bahagi ng UP College of Law Class of 2002.
Una itong nagsilbi bilang court attorney para kay dating Supreme Court Associate Justice at Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Naging corporate legal counsel din Ong ng PNOC Exploration Corporation.