60% ng mga lalaking hapon, mas komportableng umihi nang nakaupo ayon sa survey

Japan— Natuklasan kamailan sa bansang Japan na karamihan sa mga kalalakihang hapon ang mas komportableng umihi nang naka-upo kaysa naka tayo.

Lumalabas sa survey ng Lion Corp – isang manufacturer ng mga toiletries sa naturang bansa, na 60.9% ng mga  lalaking hapones ang umiihing naka upo sa toilet bowl.

Karamihan umano sa dahilan ng mga ito ay upang maiwasan na madumihan ang kanilang toilet bowl, pangalawa nais nilang makapag cellphone habang umiihi at pangatlo ay nakaupo na silang umiihi kahit noong sila ay paslit pa.

Isinagawa ang naturang survey nito lamang December 2021, at mula sa 1,500 responders, 735 o 49% sa mga ito ang nagsabing nakaupo sila kapag umiihi.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol