Malacañang, nanindigang di binatikos ng pangulo si Isko

Nanindigan si presidential spokesperson Harry Roque na hindi binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Manila City Mayor Isko Moreno.

Ginawa ng kalihim ang pahayag bilang tugon sa statement ng Makabayan bloc na nakikita umano ni pangulong Duterte bilang banta si Moreno sa isang “dynasty” sa darating na 2022 national elections kasunod ng patutsada ng presidente sa isang alkalde na di pinangalanan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay Roque, wala syang narinig na pambabatikos laban kay Moreno at ang Presidente na ang bahalang magpangalan sa local official na kanyang pinatatamaan ito.

Maaalalang sinabi ng pangulo na may isang local government unit (LGU) sa Metro Manila na pinagbawalan niyang mamahagi g ayuda dahil sa umano’y inefficiency nito.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Tanong pa ng pangulo sa publiko kung gusto nilang ng isang presidente na pang-“call boy” ang training.

Mababatid na si Moreno ay isang dating actor at isa sa mga nangunguna sa surveys ng presidential bets.