Naglabas ang Malacanang ng Memorandum Circular No. 37 na nag aatas ng agarang implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy 2023-2027 o NACS.
Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang memo circular na nag aatas sa iba’t- ibang ahensiya ng pamahalaan at mga GOCC o Government Owned and Controlled Corporation na bumalangkas at magpatupad ng Plano at mga programa sa ilalim ng NACS 2023-2027.
Inaatasan din ang Anti- Money Laundering Council na magsumite sa office of the Executive Secretary ng comprehensive report hinggil sa status ng implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy.
Saklaw ng Memorandum Circular No. 37 ang lahat ng concerned departments, agencies, bureaus, at National Government kasama na ang GOCC at local government units.
Sa ilalim din ng inisyung kautusan inaatasan ang lahat ng agency heads na magsagawa ng pagrepaso at pagtaya sa deliverables na nasa ilalim ng International Co-operation Review Group Action Plan.