DTI, aminado ‘di na kinayang pigilan ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin

Nagtaasan na ang presyo ng mga noche Buena products, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Hindi na nga napigilan pa ng ahensya ang dadag na P5 sa ilang pangunahing bilihin kapag kapaskuhan partikular na ang hamon, mayonnaise at sandwich spread.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ang mga produktong ito ay tinawag ng DTI na seasonal products na wala sa listahan ng mga item na nasa suggested retail price.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Siniguro naman ng nasabing kagawaran na patuloy nilang babantayan ang mga presyo ng bilihin sa merkado habang papalapit ang kapaskuhan.