Isang online lending company sa Makati, sinalakay ng PNP-ACG

Isang lending company ang sinalakay ng mga awtoridad sa Makati City

Isinagawa ang raid sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) at Securities and Exchange Commission (SEC)

Nagresulta ang pagsalakay sa Golden Koi Lending Company Inc. matapos makatanggap ng mga reklamo sa social media na direktang ipinadala sa Philippine National Police.

Kabilang sa mga reklamo laban sa kumpanya ang umano’y harassment tulad ng pagbabanta at intimidasyon sa kanilang mga kliyente.

Paglilinaw ng PAOCC wala pang inaasunto o detainee. Subject for questioning pa ang mga empleyado kung ano ang partisipasyon ng mga ito hinggil sa alegasyong binitawan laban sa kumpanya.