Makati, Taguig LGU, pinasalamatan para sa maayos na transition ng 14 public schools

Naging maayos ang transition ng 14 na paaralan mula sa Makati na inilipat sa Taguig.

Dahil dito, nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) sa kooperasyon ng dalawang lungsod matapos lumabas ang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Taguig at Makati.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Kinumpirma rin ng ahensya na ang Taguig-Pateros na mismo ang namamahala sa nabanggit na 14 na pampublikong paaralan.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Sa kabila ng kinaharap na isyu ng dalawang siyudad, para sa DepEd maituturing nang tapos ang isinagawang transition.