Isa, patay sa pamamaril habang nag-iinuman sa Pasay City

Patay ang isa; habang sugatan naman ang isa sa nangyaring pamamaril kagabi sa Barangay 94, Pasay City.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si alyas Ronron Uy ‘Bad Boy,’- 36 anyos.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Nagtamo si Uy ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang isa pang biktima na Jayson Ortez si Alyas ‘Atong,’ – 39 taong gulang.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Nabatid na habang nasa inuman ang mga biktima ay biglaan na lamang silang binaril ng tatlong hindi pa tukoy na salarin.