Makabayan bloc—kinontra ang mabilis na pagpasa sa OVP Budget

Wala pang tatlumpung minuto ang itinagal ng pagdinig ng House Appropriations Committee sa proposed budget ng Office of the Vice President sa susunod na taon.

Ipinresinta ni Vice President Sara Duterte ang panukalang budget na nagkakahalaga ng 2.385 billion pesos pati na ang accomplishments ng kanyang tanggapan kabilang ang pagtatayo ng satellite offices, medical and burial assistance program, Mag Negosyo Ta Day livelihood program at PagbaBAGo campaign.

Pagkatapos ng Audio-Visual Presentation ng OVP ay agad na nag-mosyon si Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos para i-terminate na ang budget deliberations sa committee level bilang tradisyon ng parliamentary courtesy na sinegundahan naman ng dalawampu’t isang kongresista.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Sinubukan pa ng Makabayan Bloc sa pangunguna ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na mag-manifest upang tutulan ang termination ngunit hindi na ito pinaporma ng sponsor na si Representative Maria Carmen Zamora.

Sa panayam kay Castro pagkatapos ng budget briefing, mariin nitong kinondena ang tila pagsasawalang-bahala ng kanyang mga kapwa kongresista sa isyu ng 125 million pesos na confidential funds ng OVP noong 2022 na ginasta sa loob lamang ng labingsiyam na araw.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Tahasan ding binuweltahan ni Gabriela Representative Arlene Brosas si Duterte na nagtatago umano sa saya ng Kongreso dahil sa hindi nito pagsagot sa mga tanong.

Ikinadismaya naman ni Kabataan Representative Raoul Manuel ang pagkawala ng tapang ng pangalawang pangulo matapos tiyakin na handa nitong idepensa ang mga ipinupukol na isyu.