Naniniwala ang isang Maritime expert na hindi makakaapekto sa bansang Tsina ang naiisip ng ilang opisyal ng pamahalaan na i-boycott ang mga producktong nito.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Ray Powell, isang Ret. US Air Force Colonel at Maritime Security Expert, sinabi nito na hindi mape-pressure ang China at malabong iurong ang mga vessel nito sa Ayungin Shoal kahit na pa hindi tangkilikin ang mga produkto nito sa bansa.
Dagdag pa ni Powell, dapat na umisip ang gobyerno ng ibang polisya na puprotekta sa mga teritoryo nito na kanya namang inilahad ang ilang bagay na ginagwa nila sa US.
Kung maalala, isinusulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pag-ban sa produkto mula sa China bilang ganti sa ginawang pangbubully ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas kagaya na lamang ng nakalipas na insidente sa Ayungin Shoal.