Legalization ng E-Bike sa Pili, Camarines Sur bilang pampasada, isinusulong

CAMARINES SUR- Dahil sa patuloy na pagdami ng mga unit ng E-Padyak o E-bike sa bayan ng Pili, Camarines Sur, minabuti ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng public hearing upang mapag-usapan ang pagpasa ng ordinansa na nakapalaman ang legalization sa paggamit ng E-Bike bilang pampasada.  

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Vice Mayor Francis Belen, na nakapalaman din sa isinusulong na ordinansa ang mga regulasyon sa tamang paggamit ng E-bikes. Malaki ang suporta ng LGU sa mga ito lalo na’t nakikita nilang mas marami ang mga namamasada na may edad na.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa ngayon, may 400 units na ang nag-ooperate sa bayan at inaasahan nilang dadami pa ito. Pagdating naman sa pagpaparehistro, may ibinibigay na pre-registration ang munisipyo sa ilalim ng Transport Franchising Regulatory Unit upang magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga gumagamit ng nasabing sasakyan.