Mahigpit na pagbabantay sa Mapanuepe Lake – tiniyak ng PNP

Nagtutulungan na ang lokal na pulisya, mga barangay officials, at ang management ng Mapanuepe Lake sa pagtugon sa umano’y nakawan sa mga campers sa bayan ng San Marcelino.

Ayon kay Municipal Police Station Chief Maj. Marvin Domacena, ilang turista na ang nawalan ng camera at relo sa kanilang pagbisita sa sikat na freshwater lake sa Barangay Buhawen noong nakaraang linggo.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dahil dito, magpapakalat na ang mga otoridad ng mga pulis upang ma-secure ang area.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Kahapon, ipinag-utos na ni Mayor Elmer Soria ang imbestigasyon sa nangyayaring nakawan.

Nagpaalala na rin ito sa mga turistang na manatiling mapagmatiyag, at ingatan ang mga gamit habang bumibisita sa lugar.