Mahigit sa P2-M na halaga ng marijuana, nabunot sa South Cotabato

KORONADAL CITY — MAHIGIT sa P2 million na halaga ng marijuana ang nabunot ng mga kapulisan sa Sitio Bandala, Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Nagsasagawa umano combat reconnaissance ang mga otoridad sa nasabing lugar nang ma-diskubrihan ang plantasyon ng umano’y marijuana na nakatanim sa humigi’t kumulang 10,000 square meters na lote.

Agad namang nagsagawa ng clearing operation ang mga kapulisan sa lugar kung saan isa ang naaresto na kinilalang si Casuyon Elmo Lozada, alyas Dodong, 42-anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Si Lozada umano ang tagapag-alaga ng nasabing marijuana plantation at nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso.
Umaabot naman sa 11,000 na fully grown marijuana ang nabunot ng mga otoridad sa lugar na nasa 30 kilos at nagkakahalaga umano ng P2,200,000.

Agad namang sinunog sa lugar ang mga nabunot na marijuana at isang puno nito ang dinala sa PDEA-12 para sa laboratory examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *