PTC ng NPA, mababa na ang turn-out ng pagbabayad sa panahon ng eleksyon

‘’Zero influence’’ na umano sa mga barangay ang rebeldeng grupong New People’s Army kung kaya’t halos wala na o mababa na ang turn-out ng pagbabayad ng ‘Permit to Campaign’ (PTC) ng mga kandidato sa panahon ng eleksyon, ito ang naging pahayag ng commander ng 903rd Infantry ‘Patriot’ Brigade na si BGen Jose Ricky Laniog sa isinagawang mini presscon sa mga opisyal ng 9ID Press corps mula sa Sorsogon at Albay.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Kung babalikan, agresibo noon ang NPA sa pangongolekta ng PTC sa panahon ng halalan at mayroon pang mga kandidato na ang ibinabayad ay mga armas o baril, kung kaya’t sineryoso at kinilala ito ng AFP at pinataas ang kanilang ‘operational tempo’ hanggang sa nagawa nilang higpitan ang mga galaw ng mga rebelde sa kanilang koleksyon sa pamamagitan ng mas maraming ‘field work’ sa mga intelligence operatives.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa kabilang dako naman ay nagbabala ang Natl Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga kandidato sa nalalapit na mid-term elections na nanganganib silang madiskwalipika kung makikipagtulungan sila sa rebeldeng grupong NPA sa pamamagitan ng pagbabayad ng PTC.

Ibinabala ito ng NTF-ELCAC matapos na ideklara ng Comelec na iligal ang PTC at PTW.