Tiniyak ng commander ng 903rd Infantry ‘Patriot’ Brigade na si BGen Jose Ricky Laniog na patuloy ang kanilang suporta sa mga dating rebelde at kanilang pamilya at hindi matitinag ang kanilang commitment na tulungan silang makabalik at makihalubilo sa lipunan.
Ang pahayag ay ginawa ng opisyal sa isinagawang mini presscon sa mga kagawad ng midya na pawang mga opisyal ng 9ID press corps mula sa lalawigan ng Sorsogon at Albay.
Aniya, sa pakikipagtulunagn ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang PLGU at LGUs, daang-daang mga dating rebelde ang nakahanap ng kaluwagan, pakikiramay at pag-asa para sa magandang kinabukasan.
Sa pamamagitan ng programang E-CLIP at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD, maging ang livelihood assistance ng DOLE at Dept of Agriculture, ang mga rebeldeng dating naliligaw ay tumatahak na ngayon sa landas tungo sa kapayapaan.


Maalala na noong nakaraang taon, kinilala ng DILG Bicol ang pagsisikap ng nasabing brigade sa pagpapatupad ng Retooled Community Support Program (RCSP).
Ang parehong pagkilala ay iginawad din sa tatlong batalyon na nasa ilalim ng operational control ng 903rd Brigade na kinabibilangan
ng 31st Infantry ‘Charge’ Battalion, 22nd Infantry ‘Valor’ Battalion, 2nd Infantry ‘Second to None’ Battalion at ang 96th Infantry ‘Alab’ Battalion.
