Mahigit sa 150k tilapia fingerlings, pinamigay sa Sto. Domingo, Albay

LEGAZPI-Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol ang distribusyon ng aabot sa mahigit 150 libo na mga tilapia fingerling sa mga mangingisda sa bayan ng Sto. Domingo, Albay.

Ang nasabing Tilapia Fingerlings Dispersal ay bilang bahagi pa rin ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Aquaculture Development Program.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, ang mga naging benepisyaryo naman ay ang mga residenteng mayroong rehistradong fish pond sa kanilang tanggapan.

Naging sistematiko naman ang distribusyon dahil bago paman naganap ang aktibidad ay naipaalam na sa mga barangay kung sino ang mga kwalipikado at inabisuhan itong magtungo sa harapan ng munisipyo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Maliban kasi sa mayorya sa mga residente ang mangingisda, marami din sa mga ito ang nag aalaga ng tilapia.