‘They need to act fast.’
Ito ang payo ng Malacañang sa mga uupong bagong opisyal ng gobyerno sa ilalim ng Marcos administration.
Sa isang panayam, sinabi ni Deputy presidential spokesperson and Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan na kailangan sa unang araw pa lamang ay gawin na ng mga bagong opisyal ang kani-kanilang mga tungkulin.
Aniya, kailangang maging mabilis ang kilos ng mga ito dahil umaasa ang bawat ahensya ng gobyerno sa isa’t-isa at nagtatrabaho sila para sa tao o sa publiko.
Kaugnay nito, nagbigay rin ng payo si Ablan para sa mga kagaya niyang mananatili sa posisyon sa ilalim ng bagong administrasyon.
Aniya, kailangan nilang maging flexible sa trabaho at dapat na mag-adjust sa sistema ng pamamalakad ni President elect Bongbong Marcos Jr.
Nabanggit na sa ilalim kasi ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging maayos at mahusay ang lahat ng opisyal ng iba’t-ibang ahensya.(CLAY MARQUEZ)
#