3 ‘main objectives’ ng Atin Ito! Coalition sa kanilang misyon – naging matagumpay

Naging matagumpay ang unang mga ‘objectives’ ng Atin Ito! Coalition sa unang bahagi ng kanilang civilian-led resupply mission.

Una, mapayapang naisagawa ang ‘peace and solidarity regatta’ na kinabibilangan ng limang civilian marine vessels; at ang nasa 100 maliliit na bangkang pangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ikalawa, nailatag din nila ang mga boya o markers na mayroong nakasulat na ‘WPS, Atin Ito!’

Ikatlo, naipamahagi nila ang unang batch ng mga langis, at pagkain, sa mga Pilipinong mangingisda.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa ang kanilang paglalayag, para matapos ang kanilang ruta hanggang sa May 17, araw ng Biyernes.

Bago ito, una nang tiniyak ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang seguridad ng mga sibilyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *