Mahigit P148M, naipamahagi na ng Marawi Compensation Board sa mga naging biktima ng Marawi siege

Umabot na sa kabuuang 148, 848, 794.26 ang halaga ng compensation na naipamahagi ng Marawi Compensation board sa mga biktima ng Marawi siege as of April 30, 2024.

Ito’y syam na buwan pagkatapos simulan ng board na tumanggap ng mga application for claims mula sa mga biktima.

Kabilang dito ang Structural Property Claims, Death Claims, Personal Property Claims, at Other Property Claims, gayundin ang Multiple Claim.

Samantala ang nasabing halaga ay nahati sa 86 na death claims, at 32 structural at personal property claims.

Ang distribusyon ng nasabing halaga ay bahagi ng pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga biktima ng trahedya sa Marawi siege, na naglalayong magbigay ng tulong at kabayaran sa mga naapektuhan ng kaguluhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *