48 stall owner sa Bicol Central Station, nadagdagan ng 30% ang renta

NAGA CITY – 48 na stall owner sa Bicol Central Station Naga City, ang nadagdagan ng 30% sa kanilang rental rate samantalang ang iba ay nabawasan.

Ayon kay Jenrylis Bolocon, Security Officer ng naturang terminal, ito ay pag-standardize o pagtatama sa renta dahil naging problema ang hindi pantay-pantay na singil taong 2014 pa, lalo na para sa mga may maliliit na pwesto pero halos pareho ang mga binabayaran na naging reklamo ng ilang nagtitinda o may pwesto roon.

Kung saan nakadepende sa laki ng sukat o sakop, na napabilang ang mga booking bus company na P600.00 na ang per square meter, malalaking merchandise at commercial na nasa P400.00 hanggang P500.00 ang kada square meter, bilang tugon na rin sa problema na nitong Pebrero 2024 lamang ipinatupad matapos mabago ang ordinansa hinggil sa usapin.

Dagdag pa ng opisyal bago man maipatupad ito nagkaroon na ng masusing pag-uusap sa mga stall owner sa Bicol Central Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *