Mahigit P120K na pintuan gawa sa Narra, nasabat sa checkpoint

SORSOGON CITY – Naharang ng mga otoridad ang isang closed van utility vehicle na naglalaman ng ilang piraso ng produktong kahoy sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy Cogon sa bayan ng Juban, Sorsogon.

Una rito, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang himpilan at agad na nagsagawa ng chokepoint ang mga ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Ryan Villasan De Asis, 40-anyos, may asawa, Karpintero, naninirahan sa brgy Gate, Bulan at Renato Santonia brucelo, 47-anyos, may asawa, driver at residente ng Brgy Abas, Pilar, Sorsogon.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Nakumpirma sa pagsisiyasat ang 7 piraso na finished product na pintuan na may kasamang 7 piraso din ng door jambs na pawang mga gawa sa Narra.

Napag-alaman na wala umanong kaukulang permit at iba pang dokumento ang may dala ng mga produkto, dahilan para tuluyang maaaresto ang mga ito.

Tinatayang aabot sa P124, 000.00  ang halaga ng mga iligal na kargamento base sa lokal na bentahan nito.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Balak sana itong dalhin mula bayan ng Bulan papuntang Sorsogon City.

Pansamantalang nakakulong sa himpilan ng pulisya ang driver at kasamahan nito, habang sa DENR naman dinala ang mga ebidensya at truck na pinagsakyan.

Paalala ng mga otoridad na parating maging responsable at bagama’t nabibigyan umano tayo ng mapagkakakitaan ay sumunod pa rin sa mga patakaran nang hindi naaabuso ang kalikasan para patuloy tayong mabigyan ng biyaya.