Go nagpasalamat sa mga mambabatas sa pagpasa sa panukalang batas na nagbibigay kompensasyon sa Marawi Siege victims

Nagpahayag ng suporta at pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga kapwa mambabatas sa pagsusulong na maipasa ang Senate Bill No. 2420, na kilalanin bilang Marawi Siege Victims Compensation Act.

Naniniwala kasi si Go na malaki ang maitutulong nito sa mga biktima ng 2017 Marawi siege para muling maiahon ang kanilang buhay.

Noong Miyerkules, Enero 26, inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang co-authored ni Go na nagbibigay ng kompensasyon o reparation sa mga internally-displaced persons (IDPs) na ang mga bahay o ari-arian ay lubhang nasira bilang resulta ng lokal na labanan sa pagitan ng Armed Forces. ng Pilipinas at mga teroristang grupo sa Marawi City.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

“Maraming salamat po sa aking mga kapwa senador sa pag-suporta ng Marawi Compensation Bill. Marami pa po sa ating mga kapatid doon ang hindi pa lubusang nakakabangon kaya naman po malaking tulong po ito sa kanila,” pahayag ni Go.

Aminado ang mambabatas na long overdue na ang kompensasyon pero sinisikap nilang maipasa ito para sa mga kababayang apektado.

Tiniyak din ni Go na mananatili ang suporta niya sa mga government initiatives para mas matulungan pa ang mga biktima at masigurong makakamit ng mga ito ang hustisya.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Matatandaan na inaprubahan sa ikalawang pagbasa  ang nasabing panukala  na co-authored ni Go na magbibigay ng kompensasyon sa mga internally-displaced persons  na nawalan o nasira ang  bahay dahil sa sagupaan ng militar at ng mga terorista sa Marawi.

“Marahil ito po ay long overdue na pero sinisikap naming maipasa ito para sa ating mga kababayan diyan sa Marawi. Sana ay maibigay na rin po namin sa inyo itong tulong na para sa inyo upang makaahon kayo,” pangako ni Go.