‘Libreng Sakay’ handog ng Pulis Kasanggayahan; bayan ng Juban naglabas ng fare matrix

SORSOGON CITY – Sabay-sabay na nagsagawa ng libreng sakay para sa mga commuters ang kapulisan sa lalawigan ng Sorsogon.

Isinagawa ang naturang aktibidad bilang pakikiisa ng iba’t-ibang Municipal Police Stations sa lalawigan sa PNP Libreng Sakay Program.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Magugunitang kahapon ay ang ika-31 anibersaryo ng nasabing ahensya.

Layon ng aktibidad na matulungan umano kahit sa kaunting paraan ang mga mahihirap nating kababayan na sumasakay araw-araw papunta at pauwi ng trabaho.

Samantala, naglabas ng “Tricycle for Hire Fare Matrix” ang bayan ng Juban.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Inilabas ang resolusyon matapos itong lagdaan ng kanilang Sangguniang Bayan.

Nilalayon nito na mabigyang linaw at magkaroon ng standard na singil ang mga tricycle na pumapasada sa loob ng naturang bayan.