NAGA CITY – Hulog sa kamay ng mga otoridad sa Naga City ang suspek sa pagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot na dumayo pa mula sa lungsod ng Iriga sa Camarines Sur.
Ito ay matapos ang isinagawang Anti-Illegal Drugs Operation ng pinagsanipwersa ng kapulisan kasama ang team ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, tauhan ng Police Station 3 Naga City Police Office at PDEA ROV sa Brgy. Triangulo, Naga City.
Kinilala ang naarestong na si Emmanuel Aslor, 39 taong gulang, construction worker at residente ng Brgy San Nicolas, Iriga City, kung saan isang operatiba ang nakabili ng illegal na droga sa halagang P75,00.00 kasama na ang 500 piso na boodle money.
Nakuha pa sa posisyon ng suspect ang karagdagang hinihinalang shabu na may bigat na 150 grams at nagkakahalaga ng Php1,020,000.00.
Nahaharap ito sa paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.