Mahigit 90 mga distressed OFWs mula Saudi, nakabalik na rin ng bansa

Ligtas na nakarating ng Pilipinas ang mahigit sa 90 mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia.

Lumapag ang kanilang eroplano ngayong tanghali sa NAIA Terminal III.

Read More:  Padilla calls for social media ban on youth amid rising school violence

Sinalubong ang mga ito ng team mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Adminstration (OWWA), at ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO).

Pinangunahan ng DMW at ng OWWA ang pamamahagi ng cash assistance, at ng mga care packs na may lamang pagkain at personal hygiene products.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Bago ito – una nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na inaasikaso na ang unpaid salaries ng libu-libong mga OFWs sa Saudi Arabia.