Sa July 2024 itinakda ng pamahalaan ang full implementation ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” ng administrasyong Marcos.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, ipatutupad ito sa pagtatapos ng six-month pilot implementation ng programa.
Tatlong libong pamilya ang naunang initial target ng programa na na tatakbo hanggang sa kalagitnaan ng susunod na taon.
Para sa susunod na taon, sinabi ni Punay na aabot sa 300,000 kabahayan ang target nilang benepisyaryo sa programa mula ito sa kasalukuyang 3, 000.
Ang FSP ay isang komprehensibong paraan upang labanan ang involuntary hunger sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa monetary-based assistance na kung saan ang mga taong kwalipikado ay tatanggap ng Php 3,000 na halaga ng kredito para sa pagkain.
Layon nitong makatulong sa mas maraming pamilya na maituturing bilang “food poor” sa taong 2024.