Mahigit 89,000 nakapagparehistro isang araw bago ang National Launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Camarines Sur

NAGA CITY-Umabot sa 89, 702 ang nakaparehistro sa Camarines Sur isang araw bago ang National Launching ng dalawang araw na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Camarines Sur Polytechnic Colleges sa Nabua at Rice Distribution naman sa University of Saint Anthony, Iriga City.

Simula ngayong araw Sept. 23 at 24 bubuhos ang serbisyo mula sa 40 na mga ahensya ng pamahalaan na kung saan si Pangulog Ferdinand Marcos nga ang pangunahing bisita. Kasabay ng launching ng Camarines Sur ay ang sa Ilocos Norte, Leyte , Davao De Oro at ilan pang piling mga probinsya.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kabilang sa mga maghahatid ng serbisyo ang Land Transportation Office, ayon kay Glenn Mancera , Supervising Transportation Regulation Officer , mayroon silang Driver’s License Application and Renewal , student permit application pati pagpaparehistro ng motorsiklo. Sa mga kailangang requirements bisitahin ang Official Facebook Page ng LTO Region 5. Ang mga sasakyan naman ay hindi na kailangan dalhin sa venue dahil sarado ang kalsada sa halip dalhin ang resulta ng emission test.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, sarado ang kalsada sa townproper ng Nabua partikular na sa bahagi ng Daang Maharlika alas sais ng umaga kanina. Ang mga mula sa Legazpi patungong Naga at vice versa ay maaaring dumaan sa sa Baao- Iriga City- Masoli Road.