Mahigit 800,000 katao, apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat

Kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) na umkyat na sa 882,861 indibidwal o 183,464 na pamilya mula sa 686 barangay sa buong bansa ang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat.

Read More:  House leader questions OVP ‘petty cash’ confidential fund handling

Nasa 8,230 pamilya o 35,388 indibidwal ang kasalukuyang naninirahan 90 evacuation centers, habang marami ang piniling manatili sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Ayon kay OCD spokesperson Edgar Posadas, mahigpit nilang binabantayan ang Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Read More:  Family appeals for help as Filipino doctor Juan Carlos Manalo remains missing in Nepal

Ito’y matapos ideklara ang buong Natioanl Capital Region na nasa ilalim ng State of Calamity, maging ang  Pinamalayan, Oriental Mindoro; Kabacan, Cotabato; Pikit, Cotabato; Butuan, Davao de Occidental; at buong probinysa ng Cavite.