Apektado man ng baha pero hindi ito hadlang para sa ilang Pinoy na gustong kumita at sumaya.
Kung nahihirapan ka mang tumawid at kung ayaw mong lumusob sa baha huwag kang mag-alala kasi ihahatid ka ng inflatable pool na naglilibot sa Barangay Tabon 1 sa Kawit Cavite.
Ayon sa may-ari ng pool hindi sapilitan ang pagbabayad at tatanggapin nila kung magkano lang ang kaya ng mga nais sumakay dito.

Samantala, kakaiba naman ang trip ng mga kabataang sa Maynila. Ginawa lang naman kasi nilang resort ang underpass sa Quezon Blvd. sa Sta Cruz Maynila.
Enjoy na enjoy nila ang pagtatampisaw at pagda-dive na tila para silang nasa ilog.
Ang naturang baha ay dulot ng walang tigil na pag-ulang dala ng habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.
Paalala naman ng mga otoridad sa publiko mag-inangat at gumamit ng proteksyon tuwing tatawid sa baha para maiwasan ang leptospirusis.