Isa pang vaccination site bubuksan sa Olongapo

Magbubukas ng isa pang anti-covid19 vaccination site sa Olongapo sa susunod linggo.

Ito ay para umpisahan ang maramihang pagbabakuna kontra corona virus disease sa mga kabilang sa A4 priority group o essential workers.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Matatandaan, noong huling linggo ng Agosto ay sinimulan ang pagbabakuna sa pailan-ilang A4 pero dahil ito ang may pinakamaraming bilang kaya kinailangang magbukas ng isa pang vaccination site.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, target ng LVOC na gamitin ang Rizal Triangle sa tabi ng city hall dahil bukod sa malawak ay mas madaling mapuntahan ng mga magpapabakuna.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of text