LEGAZPI CITY – Mahigit 5,000 magsasaka ang kasalukyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Provincial Agricultures Office (APAO) head Che Rebeta, ang naitalang bilang na ito ay ang mga nasa loob ng 6 kilometer permanent danger zone.
Aniya, mayroon silang isinasagawang assessment sa bawat bayan at lunsod upang malaman kung may iba pang apektado at kung ano ang maaaring maibigay na tulong sa mga ito.
Dagdag pa niya, ang kanilang tanggapan ay nakatuon sa post-eruption measures o rehabilitation kung saan magbibigay sila ng tulong sa mga magsasaka kapag bumalik na sa dating sitwasyon ang bulkan.
Ilan dito ang pagbibigay ng mga binhi, financial assistance, ekipahe at trainings na makakapagpabalik sa dating porma ng kanilang buhay.
Sa ngayon, nakahanda na ang mga programa at interbensyon ng opisina na makakatulong sa mga magsasaka ngayong may kinakaharap na kalamidad ang buong lalawigan.