Mahigit 500 stranded passengers naitala sa mga pantalan sa Bicol

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit 500 ang naistranded na pasahero sa buong Bicol Region dahil sa bagyong Jolina.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News Fm Legazpi mula sa ipinadalang datus ng Philippine Coastguard District Bicol.

Base sa tala ng tanggapan, pinakamaraming naantala na pasahero ay mula sa matnog port na umabot sa 432, sinundan ito ng Pioduran na 40, tabaco port 34, Pilar Port 15, masbate city port 7,  dalawa sa cataingan port habang walang naitalang pasahero sa iba pang mga pantalan sa nasabing rehiyon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aabot na rin sa 184 rito ang kabuuhang bilang na naistranded na rolling cargoes sa bawat pantalan, pinakarami pa rin ang matnog port na umabot sa 144, Pioduran port 22, Tabaco Port 10, Pilar port 5, Masbate port 2 at isa sa Cataingan Port.

May mga naantala rin na vessels ang naistranded na umabot sa 13 at taking shelter na vessels na 24.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa kabuuhang  bilang ng naantalang pasahero ay umabot ito ng 530 ang naitala sa pcg district bicol sa bawat pantalan as of 4 ng madaling araw.

Paalala ng ahensya, hindi pa rin pinapayagan na  makapagbyahe ang mga barko at maging ang mga mangingisda ay hindi rin pinapahintulutan na makapaglayag sa karagatan dahil sa sama ng panahon.