Mahigit 4,000 na family food packs para sa mga naapektuhan ng habagat, inihanda na ng DSWD-NCR

Inihanda na ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) ang mahigit 4,575 na family food pack (FFPs) para sa mga nasalantang pamilya sa Metro Manila dala ng habagat.

Sa ilalim ng DSWD Memorandum Circular No. 11, Series of 2021, kinikilalang “core response modality” ang FFP na siyang ibinibigay na food assistance sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng kalamidad o sakuna.

Pinangasiwaan naman ng Disaster Response Management Division ang pamamahagi nito bilang Resource Augmentation sa mga nasalanta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *