P3M na halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat

KORONADAL CITY — HUMIGI’T kumulang sa P3 million na halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga otoridad sa isang checkpoint sa Barangay New Cuyapo, Tantangan, South Cotabato.

Nagsasagawa umano ng checkpoint operation sa lugar ang mga kapulisan nang maharang ang isang unit ng wing van truck na may lamang 299 na box ng sigarilyo na nagkakahalaga umano ng humigi’t kumulang P3 million.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kinilala ang driver ng trak na si Norhamen Makangkong, 28, may-asawa, at helper na si Amer Ginda, 18, single at kapwa mga residente ng Purok Minanga, Pinol, Maitum, Sarangani Province.

Pinaghahanap naman ang isang Benzar Abdullah, alyas Douglas na itinuturong may-ari ng nasabing mga smuggled na sigarilyo.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nabigo umano ang mga suspek na magpakita ng kaukulang dokumento sa pagbiyahe ng nabanggit na mga sigarilyo dahilan upang kumpiskahin ito ng mga otoridad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o An Act Modernizing The Customs And Tariff Administration ang mga nahuling suspek.