NAGA CITY- Dalawang COVID-19 Delta variant na ang naitala sa Bicol Region; isa sa Legazpi City at isa sa Nabua Camarines Sur.
Doble ang pag-iingat na dapat gawin dahil ayon sa mga eksperto highly contagious ang variant. Ayon kay Naga City Health Officer Dr. Butch Borja, maliban sa pagpapalam sa publiko kung ano ang Delta Variant ay ang pagrerekomenda na magsuot na ng dobleng facemask, mas mabilis din kaseng makahawa ang nasabing uri ng corona virus. Maging ang mga bata ay mahigpit na sumunod sa health protocols dahil base sa pag-aaral sa United Kingdom mas tinatamaan din ang mga bata.
Samantala, binigyang diin ni Borja na ang mga hindi bakunado ay “high risk” , ang pagpapabakuna aniya ang daan upang maiwasan ang matinding komplikasyon.
Sa pagdating ng iba-ibang brand ng bakuna sa rehiyon umaasa ang health sector na mas marami pa ang mahihikayat na magpabakuna na.