Mahigit 3K na learners, hinihintay na lamang para makumpleto ang tala ng SDO Cauayan City

Nasa 3, 476 na mga learners na lamang ang hinihintay na ma-validate upang tuluyan nang makapagpatala sa lunsod ng Cauayan para ngayong school year 2021-2022.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr. ang Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan City, sinabi niya na ang mga ito ay maisasailalim nalang sa balidasyon.

Aniya, mataas ang enrollment turn out ngayong taon na umabot na sa 30, 470 at inaasahang madagdagan pa at makumpleto bago ang pagbubukas ng klase upang maabot din ang enrollees na 34,196 sa lunsod noong nakaraang taon.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ayon pa kay Dr. Gumaru, nagpapatuloy pa rin ang paghahanda ng 79 schools sa syudad kung saan nagsasagawa aniya ng ocular inspection ang mga kaguruan sa kaniya-kaniyang paaralan at module upang maging handa sa darating na pasukan sa September 13, 2021.

Aniya, ilan sa mga suliranin sa unang pagsasagawa ng new normal o distance learning na kanilang pagtutuunan ng pansin ngayon ay ang kakulangan sa paggabay sa mga bata kaya naman hinimok din niya ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa kanilang mga modules.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Samantala base aniya sa ginawang survey ng division at DepEd Region, mas gusto pa rin ng mga bata na magkaroon ng face to face learning subalit dahil sa pandemic ay distance learning pa rin ang modalities ngayong school year.

Habang marami rin aniya sa mga magulang at mag-aaral ang nais ng online class subalit kulang sa gadget ang ibang estudyante kaya’t pinipili nalang ang modular, RBI at TV based instruction.