Inaasahan ng Olongapo City Agriculture Office na makakapagharvest na ng mga bangus mula sa Bgy. Pagasa sa darating na buwan ng Hunyo.
Ito ay anim na buwan matapos na pakawalan ang mga fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources noong Disyembre sa ilog ng barangay.
Ayon kay OIC Agriculture Officer Francis Ela Maniago, nasa 3,500 hanggang 4,000 na piraso ang inaasahang maaani sa Hunyo.
Ang mga bangus ay ibinigay ng BFAR para sa mga mangingisda ng Pagasa bilang kabuhayan at para na rin makatulong sa pagpapanatili ng malinis na ilog sa barangay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
