Naniniwala si incoming Department of Education (DepEd) secretary Sen. Sonny Angara na tila maraming itinuturo ang mga guro sa mga bata.
Sa isang pahayag, inilarawan ni Angara ang curriculum sa bansa bilang ‘cluttered’ o kalat-kalat.
Kaugnay nito, sinabi ng senador na pinag-aaralan nilang gawing simple ang curriculum.
Binigyang-diin din ng mambabatas na dapat iangat ang quality of education sa Pilipinas lalo pa’t hindi maganda ang naging resulta ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA).
Maliban sa mga estudyante, pagtutuunan din daw ng incoming DepEd secretary ang pagtugon sa maayos na working conditions ng mga guro.