Nadagdagan pa ang bilang ng mga mag-aaral sa bansa na apektado ng matinding init ng panahon dulot ng El Niño.
Sa updated report ng Department of Education, umabot sa kabuuang 4,769 na mga paaralan ang nagsuspende ng face-to-face classes at nagshift sa Modular at Online classes.
Apektado dito ang mahigit 2 milyon at apatnaraang libong mag-aaral.
Pinakamaraming naapektuhan ay ang Region 6 o Western Visayas na nakapagtala ng nasa kalahating milyong mag-aaral matapos magsuspinde ng face to face classes ang mahigit isanlibong paaralan.
Kaugnay nito, nanindigan naman ang DepEd sa posisyon nito na ipaubaya sa mga local school head ang pagpapasya kung kinakailangang suspendehin ang “in-person” classes at lumipat sa Alternative Delivery Mode.