Isyu ng pagdami ng Chinese sa 1 village sa Parañaque City – ‘luma na’ ayon sa SPD

Muling nilinaw ng Southern Police District (SPD) na walang katotohanan ang napapabalitang pagdami ng presensya ng mga Chinese national sa isang village sa Parañaque City.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay SPD chief PIO PMaj Hazel Asilo, sinabi nitong agad na tinungo ng Parañaque City Police ang pribadong village para malaman kung may katotohanan ang mga lumalabas na isyu.

Matapos ang validation, lumabas na 2 years ago pa ang napapabalitang presensya ng military look na Chinese sa lugar.

Dagdag pa ni Asilo, hindi lamang Chinese Nationals ang naninirahan sa pribadong village kundi may iba pang mga dayuhan.

Napag alaman din ng SPD na may partikular na area sa nasabing village na nirerenatahan ng POGO ngunit hindi lamang umano Chinese ang nandon kundi pati na rin Koreano, Thai, at Vietnamese.

Hindi naman ipinagsasawalang bahala ng SPD ang posibleng presensya ng Chinese sa lugar at tinitiyak rin ng SPD ang kaligtasan ng publiko sa naturang village.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *