Mahigit 27,000 naapektuhan ng Shearline sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- 27,281  indibidwal ang naapektuhan ng ulang dala ng Shearline sa lalawigan ng Camarines Sur, ito ay batay sa tala ng Office of the Civil Defense Bicol.

Sila ay residente ng 76  barangays mula sa  Caramoan, Magarao, Pasacao, Sagñay at Lupi. Sa record pa ng OCD Bicol hindi gaano tumaas pa ang lebel ng tubig. Minonitor ang mga pamilyang nasa may landslide prone areas. Sa Kabutihang palad wala namang kinailangan ilikas.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan
Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon kay Sagñay MDRRM Operations Chief Noli Pielago, malaking bagay din ang maagang suspension ng klase nitong mga nagdaang araw dahil hindi na naapektuhan ang mga estudyanteng dumaraan sa mga spillway.