Mahigit 27,000 mga rice farmers sa Soccsksargen, nakatanggap ng financial assistance mula sa DA

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 27,476 na mga magsasaka ng palay sa Soccsksargen region ang nakabenepisyo sa Rice Farmers Financial Assistance program o RFFA ng Department of Agriculture o DA.

Ito ay kinabibilangan ng 11,655 na mga rice farmers sa South Cotabato; 1,193 sa Sarangani; 6,394 sa North Cotabato; at 8,234 beneficiaries sa Sultan Kudarat.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Ang RFFA ay mula sa excess rice tariff na nakolekta sng Bureau of Customs mula sa mga inangkat na bigas.
Sa rehiyon 12, naglaan ang DA ng P 157 million cash subsidy para sa 30,959 na target beneficiaries nito na makakatanggap ng tig P5,000 na ayuda.

Read More:  Father, son killed in Cebu stabbing while sleeping; mother injured