ISU main campus, nakamit ang Philippine Quality Award

Nakamit ng Isabela State University Echague Main Campus ang isang pinakaprestihyosong karangalan matapos kilalanin sa pagiging “Proficiency in Quality Management” sa ginanap na 24th Philippine Quality Award (PQA) Assessment Cycle.

Ang pagkilala ay kasunod ng pag-apruba sa endorsement ng Malacañang noong January 13, 2022.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Kaugnay nito, ang ISU ang kauna-unahang state universities and colleges (SUC) sa buong rehiyon ang naitanghal bilang PQA awardee.

Ang Philippine Quality Award ay ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob sa mga government at private organizations upang kilalanin ang kanilang kahusayan.

Nakatuon ang PQA s apitong criteria na kinabibilangan ng leadership; strategic planning; customer focus; measurement, analysis, knowledge management; workforce focus; process management; at results.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Samantala, inihayag naman ni ISU System President Dr. Ricmar Aquino na patuloy nilang isusulong ang pagpapaunlad ng academic excellence sa pamamagitan ng pagsunod sa national and international quality standards ng edukasyon at pamamahala.