Mahigit 250K Moderna doses, dumating sa bansa ngayong hapon

Mahigit 250,000 doses ng Moderna vaccine ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong hapon.

Sakay ng Singapore Airlines Flight ang 250,800 doses ng vaccines na lumapag sa NAIA Terminal 3 kaninang ala una.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Binili ang mga vaccine doses ng gobyerno kasama ang private sector na pinangungunahan ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ito ang ikalawang batch ng Moderna vaccines na idineliver sa bansa.

Ang unang shipment ay 249,600 doses na dumating noong katapusan ng Hunyo.