DepEd, tiniyak ang “Senior High School Voucher Program” sa darating na pasukan

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tuloy pa rin ang kanilang Senior High School Voucher Program para sa School Year 2021-2022.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ipapatupad pa rin nila ang naturang programa kasabay ang iba pang mga programa na naglalayong magbigay tulong sa mga estudyante.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Kaugnay nito, inihahanda na ng kagawaran ang kanilang online voucher application para sa kanilang mga incoming Grade 11 at Grade 12 na mag-aaral.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Bubuksan nila ang aplikasyon oras na matanggap na ang karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Nabatid na ngayong taon ay aabot sa 1,175,554 ang mga benepisyaryo ng nasabing voucher program ng DepEd.