75 beneficiaries mula Quirino Province, nakatanggap ng kabuhayan starter kit

Mahigit 1 million pesos na halaga ng starter kits sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Emergency Employment Program (DILEEP) o Kabuhayan starter kit projects ang naipamahagi sa 75 na beneficiaries mula sa Quirino Province.

Ang nasabing mga benepisaryo ay mula sa bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Maddela, at Nagtipunan, Quirino.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Kasabay ng turn-over ng kabuhayan starter kits ay magkakaroon naman ng 3-days livelihood training na dadaluhan ng 17 workers associations mula sa 17 barangays ng Quirino bilang suporta sa Executive Order No. 70 o NTF-ELCAC.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Pinangunahan ni DOLE RO2 Regional Director Joel Gonzales ang naturang aktibidad kasama sina Governor Dakila Cua, DOLE-QFO Head Laura Diciano at iba pang kawani ng ng DOLE RFO2.